JUST IN: 4 na bangkay bumulaga sa nakaparadang tsikot

 Tumambad sa mga residente ng Balagbag, Barangay San Isidro, Montalban, Rizal ngayong Lunes ang bangkay ng apat katao na nasa loob ng isang nakaparadang kotse.



Pinost ng netizen na si Carl Jayoma Gapo ang larawan ng kotse na may apat na tao sa loob. Dalawa sa mga biktima ay babae at dalawa ang lalaki.



Ayon naman sa Rizal Police, may mga bakas ng dugo sa loob ng kotse, na may plaka na NGU 1923 at isang silver gray na Nissan.


Hindi pa inilalabas ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat na nasa loob ng kotse. Iniimbestigahan pa rin ang ikinamatay ng mga ito.


Comments

Popular posts from this blog

Jane De Leon, video ng emosyonal na reaksyon ng pamilya niya sa pag-transform niya as Darna, viral na